Jam-packed ang the big dome kagabi sa grandest music event sa bansa ngayon, ang WISH 107.5 Music Awards. Bida sa awards night ang world-class talent ng mga Pinoy sa pagsama-sama ng mga mahuhusay na up-and-coming at de-kalibreng mga mang-aawit.
Binigyang pagkilala kagabi ang mga artist at grupo na nag-stand out sa kani-kanilang genre tulad ng R&B, pop, ballad, rock/alternative, urban at contemporary folk.
Big winner muli si Morissette na nakakuha ng anim na awards kabilang ang WISHclusive Pop Performance of the Year, WISh Artist of the Year at WISH Reactors’ Choice.
Tumanggap din siya ng bronze, silver at ng kauna-unahang gold awards bilang bahagi ng WISHclusive Elite Circle.
Ang kanyang awiting Chandelier ay nakakuha ng mahigit 20 million views, mahigit 30 million views para sa Against all odds at mahigit 52 million view para sa Secret love song.
Wagi rin sa event ang rising star na si Moira dela Torre para sa kanyang awiting “Malaya” na may mahigit nang 12 million views ay ginawaran ng WISHclusive viral video of the year, WISHclusive contemporary folk performance of the year at bronze award sa WISHclusive Elite Circle.
Pasok din si KZ Tandingan sa WISHclusive Elite Circle para sa kanyang WISHclusive performances ng Tadhana at viral video na Two less lonely people in the world na kapwa may mahigit nang 25 million views.
Samantala, ikinatuwa rin ng rapper na si Flict G na ginawaran ng WISHclusive collaboration of the year at bronze award para sa awiting “Nakakamiss” kasama ang Curse one, Dello at Smugglaz.
Nakatanggap din ng awards ang OPM Artists na sina Jay R, Jona, Tj Monterde at ang Grupong 5th Gen. Kabilang din sa mga new awardees ang extrapolation, Ben&Ben, IV of Spades at Tom’s story.
Ngayong taon din ang unang pagkakataon na nagkaroon ng WISHclusive performance of the year by an international artist category kung saan nagwagi si Dua Lipa para sa awiting “Blow your mind”.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: OPM artists, Wish 107-5, Wish Music Awards