Oplan Undas, ipapatupad ng mas maaga – MIAA

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 1550

mon_miaa
Maagang naghanda ang Manila International Airport Authority para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na undas.

Simula sa susunod na linggo, ipatutupad na ng MIAA ang Oplan Undas.

Kabilang sa adjustments na ipatutupad ay ang mas maagang pagbubukas ng check-in counters ng airline companies upang maiwasan ang congestion.

Para sa domestic flights, dalawang oras bago ang schedule ay bubuksan na ang check-in counters habang tatlong oras naman para sa international flights.

40 minutes naman bago ang flight ay isasara na ang mga airline counter.

Ipinatupad na rin ng MIAA ang “no pocket policy” sa lahat ng mga baggage loaders upang maiwasan ang umanoy nakawan sa mga bagahe.

Pinapayuhan rin ang mga pupunta sa airport na gamitin ang NAIA expressway upang makaiwas sa mabigat na traffic sa paligid ng NAIA complex.

Ipinagmalaki naman ng miaa na tumaas ng 20% ang on time flight sa NAIA mula ng mailipat ang general aviation sa Sangley point sa Cavite.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,