Oplan Tokhang sa lahat ng private subdivision sa QC, sisimulan na ngayong linggo

by Radyo La Verdad | September 22, 2016 (Thursday) | 975

grace_eleazar
Papasukin na ng Quezon City Police District o QCPD ang nasa limangdaang private subdivision at village sa buong Quezon City para doon naman isagawa ang Oplan Tokhang.

Ayon kay QCPD Director PS/Supt. Guillermo Eleazar, kadalasang ginagawang taguan ng mga drug lord ang mga private subdivision dahil hindi ito basta-basta napapasok ng mga pulis.

Kimunpirma rin ni Eleazar base sa drug list na hawak nila, marami rito ang mga nakatira sa mga subdivision.

Hindi pwersahan ang gagawing pagkatok ng qcpd sa mga bahay sa loob ng subdivision.

Samantala naniniwala ang QCPD na 70% ng mga krimeng nangyayari sa lungsod ay dahil sa droga.

At dahil umabot na sa walong libo ang boluntaryong sumuko sa QCPD at nasa mahigit isang libo na ang kanilang naaresto malaki ang ibinaba ng crime rate sa lungsod.

Sa kanilang datos sa mahigit tatlong daang kaso ng murder, homicide, robbery, theft, carnapping at motornapping noong 1st quarter ng 2014 bumaba na ito sa 124 ngayong 1st quarter ng 2016.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,