Oplan isnabero ipatutupad sa NCR, kasabay ng uwian ng mga pasahero

by Radyo La Verdad | April 11, 2023 (Tuesday) | 3608

METRO MANILA – Kasabay ng pag-uwi ng mga pasahero sa National Capital Region (NCR) mula sa mga probinsiya pagkatapos ng long holiday, ay mahigpit na ipatutupad ang Oplan Isnabero.

Ayon kay Land Transportation Office – NCR West Director Roque Versosa III, ipatutupad ito simula ngayong Martes, April 11 hanggang sa Biyernes, April 14.

Sa ilalim ng Oplan Isnabero, huhulihin ang mga taxi driver na tumatanggi o mamimili ng mga pasahero, alinsunod sa Regional Office Order Number 54.

P5,000 – P15,000 na multa ang ipapataw sa mga taxi driver na mahuhuli.

Maaari ring ma-revoke ang kanilang certificate of public conveyance.

Paalala ni Versoza sa mga taxi driver, gawin ang kanilang responsibilidad sa publiko bilang tugon sa public transportation demands tuwing holidays.

Tags: ,