Oplan Balik-Eskwela para sa SY 2016-2017, inilunsad ng DEPED ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 2265

JOAN_BALIK-ESKWELA
Pormal ng inilunsad ngayong araw ng Department of Education ang Oplan Balik-Eskwela upang ilatag ang kanilang mga paghahanda para sa muling pagbubukas ng klase para sa school year 2016 to 2017.

Kaugnay nito binuksan na rin ngayon ng DEPED ang kanilang information at command center upang magbigay kasagutan sa lahat ng mga magulang at mga estudyante na mayroong mga katanungan o mga problema hinggil sa pagpasok sa mga eskwelahan.

Para sa lahat ng mga may nais na ilapit tumawag lamang sa Oplan Balik-Eskwela hotline numbers na 636-1663, 632-1361, 633-9346, 633-7255, 638-7529, 635-9817, 632-1365, 633-2120 o maaaring ring magtext sa kanilang textline number sa 0919-456-0027.

Maari ring bisitahin ang kanilang social media accounts sa facebook at twitter para sa iba pang mga concern.

Kung meron naman silang mga katanungan o nais malaman ukol sa senior high school makipag-ugnayan lamang sa mga numerong 667-1118 o mag-email sa shshelpdesk@deped.gov.ph.

Bukas ang command center ng DEPED sa kanilang tanggapan sa pasig simula alas sais ng umaga hanggang alas saig ng gabi at tatagal hanggang sa June 18.

Katuwang rin ng DEPED sa paglulunsad ng 2016 Oplan Balik-Eskwela ang DOH, PAGASA, PNP, DTI, MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,