Oplan balik eskwela command center ng Deped, pormal nang binuksan

by Erika Endraca | May 28, 2019 (Tuesday) | 19785

Manila, Philippines – Binuksan muli ng Department of Education (DEPED) ang oplan balik eskwela command center nito para tumugon sa problema ng mga magulang at mag-aaral kaugnay ng pagbubukas ng klase sa June 3.

May mga itinalagang kawani ang deped na tatanggap ng tawag, reklamo at concerns ng mga mga magulang at mag-aaral kaugnay ng pagbubukas ng klase ngayong school year 2019- 2020 .

Batay sa datos ng deped, aabot sa 27.8 million ang mga estudyanteng papasok sa animnapung libong pampublikong paaralan sa buong bansa. Mas mataas ng 2.95% ang naturang bilang kumpara noong school year 2018-2019.

Katuwang ng deped ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga pagpapatayo ng 80,000 na wind at earthquake proof na mga school buildings, Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and local government unit (DILG) sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad.

Ang Department of Health (DOH) naman ang tututok sa kalusugan ng mga mag- aaral. At ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa maayos at ligtas na school zones sa Metro Manila.

“For as long as nagpo- produce ang ating bansa ng learners, meron talagang dagdag na pangangailanganm, ito ang sinasabi nating increased requirements..” ani Department of education Sec. Leonor Briones.

Bukas din ang hotline ng deped command centers para sa mga may nais ilapit na problema sa kagawaran. Kukuha naman ang deped ng karagdagang 10,000 guro para sa taong ito.

Target ng kagawaran na mapababa ang kasalukuyang 1:35 na teacher to student ratio upang mas matutukan ang pagtuturo sa mga estudyante.

“Avergae iyan e, merong selected school because of limited space natin. Lumalagpas pa rin doon sa ratio na iyon. Kaya iyon ang pinupursue natin na mas maging mababa ang classroom, pupil ratio.” ani Deped Usec. Jesus Mateo.

Patuloy din ang pagsasagawa ng brigada eskwela sa mga paaralan sa buong bansa.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , , ,