METRO MANILA – Tapos na ang pag-iral ng amihan ayon sa PAGASA.
Dahil dito ay asahan na ang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na Linggo hanggang sa buwan ng Mayo.
Sa ngayon ay umiiral ang easterlies o hangin na galing sa dagat pasipiko.
Kahapon, March 21 ay naitala sa Cotabato City ang pinakamaalinsangang temperatura na umabot sa 41 degrees celsius ang heat index.
Pero posible parin na magkaroon ng mga pag-ulan na dala ng thunderstorms. Madalang naman na ang nabubuong bagyo kapag tag-araw.
Tags: Dry Season
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com