Opisyal na pagbibilang ng boto para sa presidente at bise presidente, posibleng simulan sa May 25

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1005

CONGRESS
Marami pang kailangan gunahing trabaho ang Kamara at Senado bago nila maumpisahan ang pagbibilang sa boto ng presidente at bise presidente, may mga panukalang batas muna silang dapat ipasa sa kanila uumpisahan ang proseso sa pag-convene bilang National Boards of Canvassers.

Alas-4 ng hapon kahapon, nagsimula ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso para sa huling pag-convene nila sa 16th Congress.

Nakahanda na ang plenaryo ng lower house para sa papel nagagampanan nito bilang National Board of Canvassers at magpoproklama sa susunod na presidente at bise presidente.

Subalit uunahin ng mga kongresista naipasaang mga naka-binbing panukalang batas
Kabilang sa mga raratipikahan ay ang panukalang batas na nag-aamyenda AFP Retirement and Separation Decree of 1979.

Ang panukalang batas na magpapalakas sa housing development program ng bansa.

Pagtataas sa prescriptive period sa paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act mula 15 taon ay gagawin ng 30 taon.

Modernization ng National Bureau of Investigation.

Mandatory installation ng speed limiter sa mga sasakyan.

At iba pang panukalang batas na nagpapalawig sa mga franchise ng telecommunications at broadcasting companies sa bansa.

Samantala susubukan pa ring i-override ni Bayan Muna Partylist Rep Neri Colmenares ang veto ni Pangulong Aquino sa pension increase.

Pagkatpos nito ay saka pa lamang i-aadopt ng Kamara at Senado ang rules para sa canvassing at bubuo sa joint canvassing committee na aakto bilang National Board of Canvassers o NBOC.

Ihahalal ng Kamara at Senado ang mga miyembro ng canvassing committee nabubuin ng siyam na senador at siyam din sa Kamara.

Dito maghahalal ang dalawang kapulungan ng magiging miyembro ng canvassing committee, 9 mula sa Senado at 9 din sa Kamara de Representante.

Otomatikong magiging chairman ng NBOC si Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Uumpisahan ngayon araw ng technical working group ng Senado at Kamara kasama ang House Speaker at Senate President ang pupulong para sa final provision ng canvassing rules.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: ,