Opisyal na listahan ng NDFP consultants na hihilinging pansamantalang makalaya, isusumite pa lamang sa GPH peace panel

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 2654

ROSALIE_TEMPORARY-FREEDOM
Hinihintay pa ng incoming Government Peace Panel ang opisyal na listahan ng mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines na hihilinging pansamantalang makalabas ng piitan.

Ito ay upang makabahagi sa pormal na paguusap pangkapayapaan ng government at NDFP peace panel sa oslo, norway sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Ayon sa chief ng incoming Government Peace Panel and incoming Secretary ng Labor and Employment Department Silvestre Bello The Third, pagkasumite sa kanila ng listahan, magbibigay naman sila ng recommendation kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon sa panayam ng UNTV News, ipinahayag ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na inaasahang palalayain ang 20 nakabilanggong consultant ng NDFP bago mag-third week ng July.

Ayon naman kay Bello, sakaling matiyak at aprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyong ng mga nakapiit na NDFP consultants para sa kanilang temporary release, ang Government Peace Panel naman ang makikipag-ugnayan sa Department of Justice.

Sa ngayon, hindi pa makapagbigay ng pahayag ang incoming Justice Secretary na si Vitaliano Aguirre hinggil sa isyu.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,