Aprubado na ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa ang bagong guidelines para sa muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang. Malinaw sa bagong panuntunan ang responsibilidad ng iba’t-ibang unit ng pambansang pulisya.
Ang Directorate for Operations ang taga supervise at monitor sa implementasyon ng tokhang. Ang DO din ang magmo-monitor ng accomplishment ng anti-drug campaign at gagawa ng standard training package katulong ang DPCR at DHRDD.
Ang Directorate for Intelligence naman o DI ang gagawa ng updated na listahan ng illegal drugs personalities. Ito din ang bahalang mag-assess ng mga barangay na clear na sa iligal na droga. Sila din ang regular na magbibigay ng intelligence summaries sa mga Regional at Provincial Police Office.
Ang Directorate for Police Community Relations o DPCR naman ang magmomonitor sa galaw ng tokhangers at maglalabas ng mga impormasyon kaugnay sa PNP anti-illegal drugs campaign kabilang ang Oplan Tokhang.
Sila din ang magsasagawa ng mga advocacy program para hikayatin ang mga drug personalities na sumuko. Ang DPRC din ang gagawa ng mga tamang salita para sa press release na gagawin ng Public Information Office upang ipakalat sa media.
Kasama din sa trabaho ng DPCR ang pakikipag-ugnayan sa mga local government units at ibang stakeholders upang suportahan ang Oplan Tokhang.
Ang PNP Drug Enforcement Group at Intelligence Group naman ang tutulong sa Police Regional Office sa tokhang activities. Kabilang din sila sa pipili sa mga magiging miyembro ng tokhangers.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
METRO MANILA – Dapat ikonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng Oplan Tokhang, ayon kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa senador napaka-epektibo ng Oplan Tokhang sa pagpapababa ng demand sa droga.
Nagresulta aniya ito sa 1.6 million surrenderees at pagkakaaresto ng 300,000 drug offenders.
Ang oplan tokhang ay bahagi ng anti-drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Ang ibig sabihin nito ay door-to-door na pagkatok at pakikiusap sa mga gumagamit ng droga na tigilan na ito.
Paliwanag din ni bato na ang libo-libong namatay sa laban kontra droga ng dating administrasyon ay dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Si Dela Rosa ay dating Director ng Davao City Police. Siya ang kauna-unahang PNP Chief na itinalaga ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at nanguna sa war on drugs campaign ng former administration.
Tags: Oplan Tokhang, PNP
METRO MANILA – Wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na hahalisi sa naiwang pwesto ni Dating Philippine National Police Chief Retired General Oscar Albayalde.
Ayon sa Pangulo, masusi niyang sinusuri kung sino ang susunod na karapat-dapat na mamuno sa pambansang pulisya.
Posible rin aniya siya na lang ang direktang mangasiwa sa Philippine National Police (PNP) kung wala talaga siyang makikitang katiwa-tiwala at walang bahid ng korupsyon.
“Ang akin, if they have even a single case of corruption, wala na, you’re out. I would rather not appoint anybody for that matter, ako na ang hahawak noon, I will be the one directing the guidance and direction lang naman ako”ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na mag-iingat siya sa pagpili ng susunod na hepe ng PNP.
Ito ay matapos na malagay sa kontrobersya ang kredibilidad ni Albayalde at iugnay sa operasyon ng mga tinatawag na ninja cop o mga tiwalang pulis, dahilan upang magbitiw ito sa pwesto bilang PNP Chief nang wala sa panahon. Dagdag pa ng Presidente, napakaraming dapat na i-improve sa PNP.
“But verily itong pulis maraming problema, pati generals nila kasali sa droga, yan ang ayaw ko diyan, pati generals, di lumabas yan hanggang di ako naging presidente” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Philippine National Police, PNP Chief, President Duterte
METRO MANILA, Philippines – Maituturing na national disappointment para sa Administrasyong Duterte kung di masasampahan ng kaukulang kaso ang mga tinatawag na ninja cops o mga pulis na sangkot umano sa Agaw-Bato Incident o pagre-recylce ng nakumpiskang iligal na droga sa Pampanga Anti-Illegal Drug Operation noong 2013.
Ito ay ayon kay Senator Richard Gordon, ang tagapanguna sa Senate Blue Ribbon and Justice and Human Rights Committee na nag-iimbestiga sa naturang kontrobersya.
Una nang isinasangkot ng mga accuser na protektor umano at may kinalaman sa naturang operasyon ang bumaba sa pwestong Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde.
Ayon din sa mambabatas, pagkakataon na ito para ipakita ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinikilingan kahit pa sa mga una niyang pinagkatiwalaan kung nasasangkot sa katiwalian at iregularidad.
Subalit ayon sa palasyo, nakahanda namang suportahan ang pagsasampa ng kaso laban sa dating hepe ng PNP at iba pa kung may matibang na ebidensyang maihahain laban sa kanila.
Tuloy naman ang imbestigasyon ng Department of the Interior And Local Government (DILG) kung may administrative liability si Albayalde. Si Pangulong Duterte mismo ang nagsabing hihintayin niya ang resulta at rekomendasyon ng DILG hinggil sa isyu.
Sakaling may matibay ding ebidensya, posibleng masampahan din ng criminal case si Albayalde. Samantala, wala pang inilalabas na desisyon ang Pangulo hinggil sa nais niyang humalili sa naiwang pwesto ni Aalbayalde.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Malacañang, PNP Chief