Operasyon ng pulis vs grupo ni Ozamiz Mayor Parojinog, hindi na kailangang imbestigahan ng Senado – Sen. Lacson

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 1395


Duda si Liberal Party President Senator Francis ‘KiKo’ pangilinan sa naging operasyon ng Philippine National Police sa grupo ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon sa senador, hindi kapani-paniwala na ang lahat ng labinlimang pinaghihinalang drug lord at kanilang armadong bodyguard ay nasa pinangyarihan ng krimen at wala man lang nasugatan o nasawi sa panig ng pulis.

Ngunit para kay Senator Panfilo Lacson na dating hepe ng PNP at kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, walang kwestyon sa naging operasyon ng mga pulis

Hindi na rin aniya kailangang imbestigahan pa ito ng senado.

Bukas naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagsuporta sa anumang pagsusulong ng imbestigasyon sa senado sa isyung ito.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,