Operasyon ng PNR trains, ibabalik na sa June 15; taas pasahe nakabinbin pa rin

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 1768

PNR
Siniguro ng Philippine National Railways na ligtas ng sakyan ang mga tren ng PNR

Malapit ng matapos ng mga rail expert mula sa TUV Rheinland ang pag-iinspeksyon at imbestigasyon sa pagkaka diskaril ng tren noong nakaraang Abril

Sa ikalawang linggo ng Hunyo ay balik operasyon na ang PNR upang makapag serbisyo sa mahigit pitumpung libong pasahero araw-araw

Aminado ang PNR na hindi nila nagawa noon na magpatakbo ng Rail Car upang makapagsagawa ng daily system check

Kaya’t upang makasiguro na ligtas ng daanan ang mga riles, araw-araw ay magsasagawa na ng inspection ang PNR mula Tutuban hanggang Calamba.

Gayunpaman, idinadaing ng PNR ang kakulangan ng budget.

Hanggang ngayon nakabinbin pa rin ang hiling na taas pasahe sa PNR, subalit kahit magtaas ng pasahe, hindi pa rin ito sasapat sa laki ng gastos sa mga proyekto at rehabilitasyon sa mga tren at istasyon

Kapansin pansin na kulang ang mga pasilidad sa mga istasyon ng PNR, mga pinutol na kahoy lamang ang upuan at karamihan ng pasahero ay naghihintay na nakatayo

At hanggang ngayon ay manual pa rin ang ticketing system ng PNR kung kayat marami rin ang nakalulusot na hindi nagbabayad ng pasahe

Kapag naipatupad ang Fare Hike kikita ang PNR ng 116 million ngunit kulang pa rin upang masapatan ang gastos na aabot sa 167 million

Batay sa Board Resolution ng PNR, ang aprubadong minimum fare ay tataas sa P15 mula sa dating P10 at ang pinakamataas naman ay magiging P60 mula sa dating P45.( Mon Jocson/UNTV News)

Tags: