Hindi matutuloy ang pagbabalik operasyon ng Philippine National Railways sa June 15 dahil sa ilang isyung pangkaligtasan na kailangan pang ayusin.
Aminado ang Department of Transportation and Communications na wala pang malinaw na petsa kung kailan babalik sa operasyon ang PNR.
Wala pa ring ibinibigay na safety clearance ang TUV Rheinland sa PNR kung kayat hindi pa ito pahihuntulutang makapag operate.
Patuloy pa rin ang pagkukumpuni at pagsasagawa ng rehabilitasyon ng TUV Rheinland sa mga riles ng PNR gaya ng pagpapalit sa mga lumang piyesa sa riles.
Hihintayin pa rin ng DOTC ang mga rekomendasyon ng consultant upang mas lalong mapaganda ang serbisyo ng mga tren.
Sa ngayon wala pang plano ang DOTC na alternatibong transportasyon para sa mga regular na pasahero ng PNR na maapektuhan ng tigil operasyon.
Tags: Department of Transportation and Communications, Philippine National Railways, TUV Rheinland