Operasyon ng PNP Cebu laban sa illegal na droga, patuloy

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 4908

GLADYS_CAMPAIGN
Patuloy ang mga operasyong isinasagawa ng pulisya sa probinsya ng Cebu upang tuluyang masugpo ang illegal na droga.

Simula Enero hanggang Hunyo, iba’t ibang operasyon na ang isinagawa sa probinsya ng Cebu.

Aabot sa 242 buy bust operations, 47 search warrant, 175 saturation drive, 3 marijuana eradication at 59 Oplan Tracker ang isinagawa ng otoridad sa lugar.

Aabot naman sa 45,446,485 ang mga nakumpiskang illegal na droga at isang surprise drug test ang isinasagawa sa mga police station upang matukoy kung sinu-sinong kapulisan ang involved sa droga.

Ngayong buwan ay mayroon ng dalawang istasyon ang sumailalim sa drug test kung saan, isang pulis ang nagpositibo.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: ,