Operasyon ng NBI kontra iligal na droga, pormal nang ipinatigil ng DOJ

by Radyo La Verdad | February 3, 2017 (Friday) | 932


Pormal nang ipinatitigil ng Department of Justice ang operasyon ng National Bureau of Investigation laban sa iligal na droga.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nawalan na siya ng tiwala sa NBI matapos masangkot sa kasong kidnapping at pagpatay sa Korean national ang ilan sa mga tauhan nito.

Sa inilabas na memorandum circular ngayong araw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sinususpende ng walang taning na panahon ang lahat ng anti-drug operations ng NBI.

Pansamantala ring pinipigil ang kapangyarihan ng ahensiya na mag-imbestiga at magsampa ng drug-related cases.

Sa ngayon, pagtutuunan muna ng pansin ng DOJ at NBI ang kampanya laban sa korapsyon at kriminalidad.

Tags: ,