Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang kampanya ng administrasyon sa paglaban sa ilegal na droga.
Ito ay matapos kumpirmahin sa kanyang talumpati kagabi sa courtesy call ng delagasyon ng Pastoral Parish Council for Responsible Voting o PPCRV sa Malakanyang na isang international drug cartel mula sa Mexico ang aktibong nag-ooperate sa bansa
Ang Sinaloa cartel ang itinuturing na pinakamalaking international drug trafficking, money laundering at organized crime syndicate sa mundo.
Pinamumunuan ito ng Mexican na si Juan ‘El Chapo’ Guzman na sa ikalawang pagkakataon ay nakatakas sa kanyang kulungan sa Mexico noon lamang nakaraang buwan.
Noong nakarang taon, isang hinihinalang myembro ng naturang cartel ang nahuli ng Philippine National Police sa isang buybust operation sa Makati.
Nakumpiska dito ang tinatayang nasa labindalawang milyong halaga ng coccaine.
Tags: Operasyon ng Mexican drug cartel sa bansa, Pangulong Duterte