Operasyon ng LRT, pansamantalang ititigil para sa taunang maintenance kasabay ng long holiday sa Abril

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1196

IMAGE_JAN202014_UNTV-News_MRT

Walang operasyon ang LRT line 1 at 2 mula April 2 hanggang April 5.

Batay sa anunsyo ng LRT Authority, ang tigil-operasyon ay bahagi ng kanilang taunang maintenance.

Sa inilabas na schedule, 8:00PM ng April 1 ang alis ng huling biyahe sa magkabilang dulo ng LRT line 1 (Baclaran at Roosevelt terminal).

Sa line 2, 8:00PM rin ang alis ng huling biyahe ng tren sa Santolan station habang 8:30PM naman sa Recto station.

Babalik sa normal ang operasyon ng LRT 1 & 2 sa 5:00AM ng April 6, araw ng Lunes.

Tags: