Operasyon ng LRT, MRT at PNR, suspendido sa April 13-16

by Radyo La Verdad | April 12, 2017 (Wednesday) | 4280


Pansamantalang sususpendihin ang biyahe ng LRT Line 1 at 2, MRT Line 3 at Philippine National Railway simula bukas upang bigyang daan ang taunang maintenance sa mga tren.

Ayon sa Light Rail Transit Authority at pamunuan ng MRT, walang biyahe ang mga tren simula sa April 13 araw ng Huwebes hanggang sa Linggo, April.

Sa Lunes, April 17 magbabalik ang normal na operasyon ng LRT at MRT.

Samantala, wala ring biyahe ang PNR simula bukas hanggang Linggo liban lamang sa Tutuban-Mamatid at Tutuban-Alabang route sa Linggo ng gabi.

Tags: , , ,