MANILA, Philippines – Suspindido pa rin ang operasyon ng LRT-2 ngayong araw (October 4) bunsod ng nangyaring sunog sa carriageway sa pagitan ng Anonas at Katipunan Station.
Ayon kay batay sa LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, ito ay dahil sa ilang technical at safety concerns batay sa ulat ng LRTA engineeing and safety units.
Kahapon (October 3) ay nagkaroon ng power surge kung kaya’t nasunog ang isang bahagi ng linya ng LRT sa carriageway sa pagitan ng Katipunan at Anonas Station.
Ayon sa nakasaksi, nagsimula umano ang sunog sa Catenary Post kung saan may nakita ang usok. Nai-unload naman ng ligtas sa kasunod na station ang mga pasahero at wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.
Ayon din sa pamunuan ng LRT2, nasira rin ang Rectifier Substation 5 sa Katipunan at Rectifier Substation 6 sa Santolan kung kaya’t sinuspindi pa ang operasyon ng LRT2.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pamunuan ng LRT2 hinggil sa pangyayari. Ayon sa LRT2 authority, sisiguraduhin muna nilang ligtas at maayos na ang sitwasyon sa iba pang mga station bago magresume ng partial operation.
“As soon as we are able to do that. Determine
that we can safely operate partial operation then mag ooperate tayo
kaagad.” ani LRT2 Corporate Secretary Hernano Cabrera .
Nasa 200,000 commuters naman ang apektado dahil sa nangyaring insidente sa LRT2.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: LRT 2