Operasyon ng LRT 1 at 2, suspindido mula April 2-5 para sa taunang maintenance.  

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1048

IMAGE__UNTV-News__091712__MRT

Mula April 2 hanggang April 5 ay walang operasyon ang LRT line 1 at 2.

Batay sa anunsyo ng LRT Authority, ang tigil-operasyon ay bahagi ng kanilang taunang maintenance.

Sa inilabas na schedule, 8:00PM ng April 1 ang alis ng huling commercial train sa magkabilang dulo ng LRT line 1 (Baclaran at Roosevelt terminal).

Sa Line 2, 8:00PM rin ang alis ng huling commercial train sa Santolan station habang 8:30PM naman sa Recto station.

Babalik sa normal ang operasyon ng LRT 1 & 2 ng 5:00AM ng Lunes, April 6.

Tags: , ,