Ibinigay na ang pamamahala ng operasyon at maintenance ng LRT Line 1 sa Light Rail Manila Corporation o LRMC
Nilinaw ng LRMC na hindi pribado ang LRT Line 1 at mananatiling katulong nila ang DOTC at LRTA sa pamamahala sa line 1
Dahil sa may kalumaan na ay maraming improvement ang isasagawa ng LRMC upang maging maayos at mapaganda ang operasyon ng LRT Line 1.
Kabilang sa aayusin at pagagandahin ang mga istasyon ng LRT Line 1 kabilang na ang mga comfort room at pag-aalis sa daanan ng mga pasahero.
Lalagyan din nang kisame ang bubong ng istasyon at iiwasan na rin ang pagsisiksikan ng mga pasahero.
Ayon sa LRMC, sa loob ng isa o dalawang taon ay makararamdam na ng pagbabago ang mga pasahero sa mga improvements na gagawin nila sa LRT Line 1, plano rin ng LRMC na maglagay ng escalators at elevator sa mga istasyon na makatutulong sa mga may kapansanan at matatandang pasahero.
Sa taong 2017, tatlumpung bagong tren mula sa Japan ang madadagdag sa LRT line 1.
Ang mga bagong tren ang ipapalit sa first general train na mahigit tatlumpong taon ng ginagamit.
Subalit bago ito, aayusin muna ng LRMC ang mga riles upang mas mapabilis ang takbo ng mga tren hanggang 60kph mula sa kasalukuyang bilis nito na 40 kph
Sa kabila ng mga improvement na gagawin sa LRT Line 1 tiniyak ng LRMC na walang mangyayaring pagtataas sa pasahe sa mga susunod na taon
Ang LRMC na rin ang magsisilbing maintenance provider ng LRT Line 1. ( Mon Jocson / UNTV News)