Opensiba ng militar, ipagpapatuloy sa kabila ng panibagong video ng pagbabanta ng Abu Sayyaf Group laban sa tatlong hostages nito

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1204

ARA_PADILLA
Patuloy pa rin ang isinasagawang opensiba ng militar sa kabila ng panibagong video ng pagbabanta ng bandidong Abu Sayyaf Group Laban sa tatlong hostages nito.

Nagpalabas muli ng isang video ang Abu Sayyaf Group na nagpapakita ng tatlong kidnap victims nito.

Ito ay matapos ang pamumugot ng ulo sa Candian hostage na si John Ridsdel matapos hindi maibigay ang ransom money na kanilang hinihingi.

Makikita sa video na humihingi ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas at Canada ang tatlong natitira pang biktima na bihag ng bandidong grupo na ibigay ang tatlong daang milyong piso kada biktima kapalit ng kanilang buhay.

Habang nasa anim na armadong kalalakihan ang nakapaligid sa mga ito.

Kasabay nito nagbanta ang teroristang grupo sa gobyerno ng Pilipinas at Canada na kung hindi maibigay ang kanilang hinihingi ay papaslangin ang tatlong biktima.

Samantala nanindigan naman ang Armed Forces of the Philippines na ipagpapatuloy nito ang offensive operations laban sa grupo ng Abu Sayyaf.

(Ara Mae Dungo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,