Open data initiatives, daan sa pagkakaroon ng transparency sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | June 9, 2015 (Tuesday) | 1861

aAPEC
Sinimulan na ngayong araw ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC ang workshop on fiscal management through transparency reforms

Bilang panimula, binati ni Department of Finance Undersecretary Gil Beltran ang mga delegado na dumating mula sa dalawamput isang member economies ng APEC.

Pinagusapan sa pulong ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga polisiya at programa na nagsusulong ng fiscal transparency.

Isa sa mga nirerekomenda sa pulong ang open data initiatives kung saan gagawing bukas sa publiko ang lahat ng uri ng datos na may kinalaman sa pondo ng pamahalaan.

Anila, ito ang magiging daan upang mas maging tapat sa tungkulin ang mga opiyal ng ating gobyerno.

Sa open data initiative, mailalabas sa publiko ang gastusin ng pamahalaan mula sa malalaking proyekto ng national government hanggang sa pondo ng lokal na pamahalaan para sa mga eskwelahan, klinika, at iba pang social services.

Ayon naman kay Department of Budget and Management Undersecretary Richard Moya, bago pa man mairekomenda ang open data intiative na ito, may mga ilang hakbang na ang pamahalaang aquino upang siguruhin ang transaprency sa budget spending.

Nariyan ang open data portal ng DBM na data.gov.ph at dbm.gov.ph kung saan makikita ang detalyadong budget ng pamahalaan kada taon.

Mayroon din silang ginagawang “copy of people’s budget” kada taon na summary ng bugdet na maiintindihan ng ordinaryong Pilipino.(Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: ,