METRO MANILA – Para kay House Minority Leader Marcelino Libanan PM is not the key.
Ayon kay Libanan ang pagbibigay ng presyo sa pamamagitan ng private message ay malinaw na paglabag sa Consumer Act of 1992.
Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-alok ng anumang produktong na walang price tag.
Sinomang lalabag sa price tag rule ay mahaharap sa 6 na buwang kulong o multang hanggang P5,000 habang ang paulit-ulit na lalabag ay mahaharap sa revocation of business permit and license.
Kaugnay nito, pinakikilos ng mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang pagpapatupad ng price tag rule lalo na sa mga online seller.