Online Petition upang payagan ang stranded OFW at ilang Pinoy na makabalik na sa Hong Kong, inilunsad

by Erika Endraca | February 18, 2020 (Tuesday) | 8300

METRO MANILA – Halos mahigit 5,000 na ang lumagda sa isang online petition na nananawagang payagan ang mga stranded Overseas Filipino Worker (OFW) sa Pilipinas na payagang bumalik ng Hong Kong.

Kasunod ito ng travel ban na ipinatupad ng pamahalaan sa mga bansang China, Macau at Hong Kong.
Nakasaad sa online petition apektado na ang trabaho ng mga Pilipino doon.

Gaya umano ng Filipino domestic helper na tanging inaasahan ng kanilang pamilya. Pero ayon sa Malakanyang pinag-aaralan pang mabuti ng pamahalaan ang mga panukalang bawiin ang travel ban sa Macau at Hong Kong.

Dahil nais munang makatiyak ng gobyerno sa kaligtasan ng mas maraming Pilipino kaugnay sa banta ng Coronavirus Disease 2019  (COVID-19).

“Now we’re assessing travel ban on Macau and Hong Kong, so depende, kasi ang mahalaga sa atin, kay presidente, yung safety ng mga kababayan natin. Sa Taiwan kaya tayo naglift, pinakita ng Taiwan how strict their protocols are, yung mga facilities nila maayos, kumbaga, ligtas ang mga kababayan natin”

Samantala, tuloy ang gagawing paglilibot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maisulong ang turismo sa Pilipinas.

Ayon naman sa Department Of Tourism (DOT), posibleng dalawin ng Pangulo ang Boracay, Cebu at Bohol Ngayong Pebrero o sa Marso.

“As mentioned during the call on the president, it has to be immediate, so it’s going to be for the next couple of weeks but we’re of course lining up destinations like Boracay, Cebu for instance even Bohol, as initial list of destinations for the President most probably visit within the next couple of weeks.” ani Department Of Tourism Usec. Art Boncato.

“He’s a magnet. His presence attracts people from attending an event.”ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,