Online petition, inilunsad ng Migrante Hong Kong upang maalis sa puwesto si Rep. John Bertiz

by Radyo La Verdad | October 4, 2018 (Thursday) | 1841

Isang online petition ang inilunsad ng migrante Hong Kong upang mapatalsik sa pwesto si ACTS-OFW Party-list Representative Anecito “John” Bertiz III.

Pinamagatang “Hash Tag Bertiz Alis” ang petisyon sa Change.org na mayroon nang apatnapu’t anim na pirma kahapon.

Batay sa petisyon, may conflict of interest si Bertiz dahil may-ari ito ng dalawang recruitment agencies kabilang na ang pagiging presidente at chief executive officer ng Global Asia Alliance Consultant Incorporated na isa sa pinakamalaking recruitment agencies sa Pilipinas.

Bukod dito, bastos din umano, arogante at walang respeto sa mga OFW ang mamababatas gaya ng naging asal nito sa isang dialogue sa Hong Kong noong nakaraang taon.

Sa panayam kahapon ng UNTV News kay Eman Villanueva ng United Filipinos in Hong Kong, sinabi nito na mas makabubuti pa kay Bertiz ang magbitiw na lamang dahil sa kinasangkutan nitong mga kontrobersiya.

Tags: , ,