One stop shop para sa firearms license, itinatayo sa Camp Crame

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 2187

one-stop-shop
Nagpapatayo ang Philippine National Police sa loob ng Kampo Krame ng one stop shop para sa pagpo-proseso ng pagkuha ng lisensya ng baril.

Kaya magiging mas madali na para sa mga gun owners ang mag aaply ng license to own and possess firearms o LTOPF.

Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, hindi na kailangan ng mga aplikante na magpalipat-lipat ng gusali habang kinukumpleto ang proseso ng license application.

Magkakaroon din aniya ng katulad na set-up mga regional offices para hindi na kailangang lumuwas ng mga taga probinsya sa maynila upang kumuha ng LTOPF.

(Lea Ylagan/UNTV Radio

Tags: ,