Naging abala nitong nakaraang linggo si Vice President Leni Robredo sa pakikipagpulong at pagbisita sa mga relocation sites at mga nakatira sa liblib na barangay.
Dito nakita ng bise presidente ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na relocation sites para sa mga informal settler na dine-demolish ang mga bahay.
Bukod sa maayos na tirahan, kinakailangan din nila ng mapagkakakitaan
Base sa pagaaral ng Housing and Urban Development Coordinating Council, ang metro manila ay pinakamaraming bilang ng illegal settlers dahil dito sila nakakahanap ng trabaho para sa kanilang pamilya.
Kaya naman isa sa mga opsiyon na kanilang pinag-aaralan ay ang pagtatayo ng mga mid to high rise housing project.
Ngunit dahil coordinating body lamang ang HUDCC at walang sariling pondo para sa pagtatayo ng mga pabahay, makikipag-ugnayan sila sa iba pang ahensya upang matulungan silang maisakatuparan ang proyektong ito.
Sa susunod na linggo ay magsisimula narin ang HUDCC na makipagpulong sa mga developer na gagawa ng kanilang mga pabahay na ipatatayo sa mga susunod na taon.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: On-site relocation sa mga dini-demolish, Vice President Leni Robredo