Omicron XBB at XBC COVID-19 variants, nakapasok na sa Pilipinas – DOH

by Radyo La Verdad | October 19, 2022 (Wednesday) | 1021

METRO MANILA – Nakapasok na sa Pilipinas ang bagong Omicron variants na XBB at XBC.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang 81 XBB Omicron subvariant cases sa bansa. 70 dito ang naka-recover na, 8 ang kasulukuyan pang nasa isolation.

Habang 3 sa mga ito ang bineberipika pa ang health status.

Mayroon na ring 193 Omicron XBC cases sa bansa. 176 dito ang naka-recover, 3 ang nasa isolation, 5 ang nasawi habang 9 naman sa iba pang pasyente ang sinusuri pa ng kagawaran .

Paliwang ni DOH Officer-In-Charge (OIC) Usec. Maria Rosario Vergeire ang Omicron XBB ang pangunahing dahilan ng paglobo ng COVID-19 cases sa Singapore.

Na-detect na rin ang XBB sa Australia, Bangladesh, Denmark, India, Japan, and The United States.

Ang XBC variant naman ay kasalukuyan pang variant under  monitoring at investigation ayon sa United Kingdom health security agency. Ito ay recombinant ng Delta at BA.2 COVID-19 variants.

Tags: ,