Umapela ang Ombudsman sa Sandiganbayan 4th division sa pagkaka dismis nito sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng NBN-ZTE scandal.
Dinismis ng Sandiganbayan ang kaso ni Arroyo dahil sa kawalan umano ng ebisdensya laban dito
ipinunto naman sa mosyon ng prosekusyon na mayroong lack of jurisdiction sa hinihinging ebidensya ng korte dahil sa labas umano ng bansa tumanggap ng pabor si Arroyo sa ZTE.
Isang general rule na dapat dinidinig ang isang kaso sa lugar na kung saan ito nagawa gaya ng kaso ni Ginang Arroyo.
Sa October 14 itinakda ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ng prosekusyon.
Tags: kasong graft, Ombudsman, pagkakadismis ng kaso ni Ex-Pres.Gloria Arroyo