Ombudsman, pinapakasuhan na sa Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration Former Chairman Prospero Pichay at 4 pa

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 1286

OMBUDSMAN
Nakahanap na ng probable cause ang Office of the Ombudsman para kasuhan sa Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration Chairman Prospero Pichay.

Sa resolusyon ng anti-graft agency, sinabi nitong may matibay na basehan ang alegasyong lumabag si Pichay sa anti-graft and corrupt practices act at code of conduct and ethical standarss for public officers and employees.

Kaugnay ito ng 1.5 million pesos na ibinigay na sponsorship ng LWUA sa National Chess Federation of the Philippines o NCFP kung saan presidente si Pichay.

Ito ay sa kabila ng memo na inilabas ni dating LWUA Adminstrator Daniel Landingin na nagpapasuspendi sa kahit anong uri ng sponsorship o suporta sa sports at cultural activities para magbigay daan sa operational expenses ng ahensya.

Kasama si Landingin sa mga kakasuhan din ng Ombudsman ng graft kabilang na ang tatlo pang dating opsiyal ng ahensya.

Ayon sa Ombudsman, nagsabwatan ang mga nasabing opisyal upang sigurihin na maapruba ang pondo sa NCFP kahit pa hindi priyoridad ng lwua ang pagsponsor ng sporting events.

Halata rin umanong pinaboran ng LWUA ang NCFP dahil sa pusisyon ni Pichay dito.

Bibigyan muna ng Ombudsman ng pagkakataon sina Pichay at iba pa na maghain ng kanilang motion for reconsideration bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Tags: , ,