Ombudsman, pinagtibay ang pagsasampa ng kaso laban kay Purisima at Napeñas

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1140

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES
Ipinagutos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa sa Sandiganbayan ng kasong graft at usurpation of authority or official function laban kay dating PNP chief Alan Purisima at dating Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Kaugnay ito sa nangyaring Mamasapano operation noong 2015 kung saan apatnaput apat na sundalo ng Special Action Force ang namatay sa engkwentro sa mga rebeldeng grupo.

Maliban sa criminal cases,mahaharap din sina Purisima sa administrative liability dahil sa grave misconduct, gross neglet of duty at conduct prejudicial to the best interest of service.

Dissmisal from office sana ang magiging parusa sa mga respondent, pero dahil natanggal na sa pwesto si Purisima sa PNP noong June 2015, at nagretiro na si Napeñas sa SAF noong July 2015, pinagbabayad nalang sila ng Ombudsman ng alternative penalty na katumbas ng kanilang isang taong sweldo.

Hindi na rin sila maaaring makahawak ng posisyon sa gobyerno at hindi na rin makakakuha ng retirement benefits.

Sa order na galing sa Ombudsman, sinabi nitong dineny nila ang motion for reconsideration na inihain ng mga respondent.

Pinaliwanag ng Ombudsman, nilabag ni Purisima ang chain ng command ng PNP dahil sa kanyang active participation sa execution ng Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao sa kabila ng suspension na ipinataw sakanya ng Ombudsman noong Dec . 2014 at sa cease at desist order na inisyu ni dating OIC-PNP Chief Leonardo Espina laban sa kanya.

Damay din sa kaso si Napeñas dahil sa kanyang koordinasyon at pakikipagusap kay Purisima kaugnay sa operasyon.

Bagaman kasama si Pangulong Benigno Aquino III sa mga inireklamo ng Ombudsman kaugnay ng Mamasapano operation, inabswelto siya ng ombudsman dahil aniya sa kawalan ng sapat na ebidensya para sa posibleng criminal o administrative liability niya sa insidente.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: