Nanindigan naman ang Office of the Ombudsman na epektibo pa rin ang ipinataw na suspension order laban kay Makati City Mayor Junjun Binay kahit naglabas ng TRO ang Court of Appeals.
Ipinahayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na “moot and academic” ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng CA laban sa 6 month preventive suspension ni Binay.
Niliwanag ni Morales na nauna nang naisilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon kay Binay kaya hindi na ito maaaring pigilan ng CA.
Ngayong araw ng Martes, Marso 17 ay nagsumite ng manifestation ang Ombudsman sa appellate court para ipaalam na naisilbi na at naipatupad na ang preventive suspension order laban sa alkalde.
Alas-8:30 Lunes ng umaga, Marso 16 nang ipaskil ng DILG sa Makati City hall ang kopya ng suspension order at alas-9:47 naman ng umaga nang manumpa si Vice Mayor Romulo Peña Jr. bilang acting mayor ng Makati.
Tags: Conchita Carpio Morales, DILG, Junjun Binay, Makati City, Ombudsman, Romulo Peña Jr