Ombudsman, nakahanap na ng probable cause upang kasuhan ang ilang opisyal ng National Printing Office

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 1293

JOYCE_OMBUDSMAN
Nakahanap na ng probable cause ang Ombudsman upang kasuhan ng graft sa Sandiganbayan ang ilang opisyal ng National Printing Office.

Kabilang sa mga kakasuhan sina acting Director Emmanuel Andaya, Chairman Sylvia Banda at ilan pang miyembro ng Bids and Awards Committee ng ahensya.

Kaugnay ito sa procurement ng isang libong Travel Clearance Certificates o TCC na nirequest ng National Bureau of Investigation noong 2010.

Umabot sa 1.89 million pesos ang naging halaga ng TCC na binili sa kumpanyang advance computer forms incorporated na hindi umano sumailalim sa tamang proseso ng bidding.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,