Oil spill, posibleng umabot sa Verde Island passage dahil sa paghina ng amihan

by Radyo La Verdad | March 13, 2023 (Monday) | 3647

METRO MANILA – Nagbabanta ang oil spill sa Verde Island Passage (VIP) na kinaroroonan ng global center ng marine biodiversity.

Ito ay base sa pinakahuling forecast track ng Marine Science Institute ng University of the Philippines (UP-MSI).

Ayon sa UP-MSI, dahil sa paghina ng amihan ay posibleng mapadpad ang mga tumagas na langis sa Calapan, Verde Island, at ibang bahagi ng Batangas.

Ang VIP ay karagatan sa pagitan ng Batangas at Mindoro na may pinakamaraming bilang ng isda, corals, seagrasses, mangroves at iba pa.

Kanlungan din ito ng mga endangered at threatened species kasama na ang mga critically endangered species na hawksbill turtle, whale sharks, manta rays, dugongs, humphead wrasses, giant groupers at giant clams.

Tags: