Bulkan sa Mexico, muling nagbuga ng abo

by Radyo La Verdad | August 2, 2016 (Tuesday) | 1310
Popocatepetl volcano sa Mexico(REUTERS)
Popocatepetl volcano sa Mexico(REUTERS)

Nagsimula na kahapon na magbuga ng abo at usok ang Popocatepetl volcano sa Mexico.

Ayon sa National Disaster Prevention Agency, nagsimula ang pabugso-bugsong pagbuga ng volcanic ashes ng bulkan noong linggo.

Umaabot sa 2.5 kilometer ang taas ng pagbuga ng abo mula sa crater ng bulkan na halos tumakip sa buong kapitolyo ng Mexico lalo na sa Amecameca.

Ang Popocatepetl ang pinakaaktibong bulkan sa Mexico.

Tags: ,