Oil price hike ipatutupad ngayong Linggo

by Erika Endraca | May 20, 2019 (Monday) | 24283

Manila, Philippines – Tataas ng 70 centavos per liter hanggang 1 peso per liter ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo.

Ayon sa mga industry player, posibleng tumaas ng 90 to 1 peso per liter ang presyo ng gasolina, at 70 to 80 centavos per liter naman sa diesel at kerosene.

Pinapayuhan ang mga motorista na magpakarga na ng gasolina o diesel bago ipatupad ang dagdag presyo sa araw ng Martes Alas sais ng umaga.

Naka apekto sa presyo ng langis ang pambobomba sa mga oil tankers ng saudi arabia at ang patuloy na panggigipit ng Estados Unidos sa bansang Iran.

Inakusahan ng bansang Saudi Arabia ang Iran sa plano nitong pahinain ang relasyon ng buong rehiyon sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng pag atake nito sa kanilang mga oil tankers.

Subalit nilinaw ng Saudi Arabia na ayaw nila ng giyera subalit nakahanda silang tumugon sa anomang banta ng bansang Iran .

“Saudi arabia does not want a war in the region and is not seeking it, and will do its best to evade it, but at the same time, if the other party chooses war, then we will respond with all strength and determination, and will defend itself and its interests, the kingdom hopes others to be wise and the iranian regime and its agents to stay away from recklessness and stupid acts and spare the region instability. Saudi arabia asks the international community to take responsibility to stop that regime from destabilising the world.” ani Saudi Minister of State for Foreign Affairs,  Adel Al-Jubeir.

Ang saudi arabia ang isa sa pinakamalaking oil producing country sa buong mundo na pinagkukunan ng langis ng Pilipinas .

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: , , , ,