OFW sa Doha, Qatar pinarangalan ng Bagong Bayani Foundation Inc

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1701

OFW-1
Ginawaran ng Bagong Bayani Foundation, Inc. ang isang Overseas Filipino Worker sa Doha Qatar bilang pagkilala sa kaniyang natatanging kontribusyon sa pagtulong sa kapwa OFW.

Tumanggap ng “Bagong Bayani for Community and Social Service Award 2016” si Fidel Escurel dahil sa mga isinusulong nitong programa tulad ng pagkakaroon ng ospital at bangko para sa mga OFW at paglaban sa human trafficking.

Isa lamang si Escurel sa 22 migrant worker na pinarangalan ng Bagong Bayani Foundation Inc.

Iginawad ang parangal nitong June 7 kaalinsabay ng Migrant Workers Day na may temang “Saludo OFW, saludo kami sa inyo”.

Si Fidel Escurel ay isang IT professional na nagtatrabaho sa Doha, Qatar at sya ring Founder at Vice-Chairperson ng Foundation of Filipino Workers Worldwide o (FFWW) isang organisasyong nagsusulong upang magkaroon ng OFW hospital at OFW bank.

Bukod dito siya rin ang Regional Chairman ng Middle East and African Network of Filipinos Diaspora o Meanfid dito sa Qatar na tumutulong naman sa biktima ng human trafficking.

(Ramil Ramal/UNTV RADIO)

Tags: ,