Tumaas ng 16.3 percent o umabot sa 2.32 billion dollars ang cash remittances na ipinasok sa bansa ng mga Overseas Filipino Workers sa buwan ng Agosto ngayong taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, mas mataas ito sa 1.99 billion dollars na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.
Samantala, kabuuang 17.64 billion dollars naman ang naitalang remittances sa unang walong buwan ng 2016, mas mataas sa 16.87 billion dollars noong 2015.
Tinatayang walumpung porsyento ng mga OFW remittances ang nagmula sa US, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Germany.
Tags: BSP, mas mataas kumpara sa nakaraang taon, OFW remittances sa buwan ng Agosto