OFW Partylist Rep. Roy Señeres, nagdeklara na tatakbo sa pagkapresidente sa 2016

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 1028

SENERES
Buo ang loob ni OFW Party list Rep. Roy Señeres na sumabak sa 2016 elections at tumakbo bilang Presidente.

Huwebes ng umaga pormal nitong ideneklara ang kanyang pagnanais na kumandidato sa pinakamataas na posisyon.

Ayon sa kongresita ang kanyang pagtakbo ay bunsod ng matinding panawagan ng gruro ng mga ofw at manggagawa na naniniwala sa kanyang kakayahan.

Kumpiyansa itong makukuha nya ang sapat na boto mula sa milyon-milyong contractual at job order employees.

Sinabi ni Señeres na kumpleto na ang kanyang slate subalit tumanggi muna itong pangalanan ang mga ito.

Ang kanya umanong runningmate ay isang religiuos leder, habang ang 12 senatorial candidate naman ay mga ofw, teacher, engineer at muslim.

Sinabi rin nito na hindi sya tatanggap ng anumang donasyon muna sa mga malalaking negosyante.

Dahil mismong ang mga ibat ibang ofw group ang nangakong magbibigay umano ng tagli-limang dolyar para sa kanyang kampanya.

Tatakbong presidente si Señeres sa ilalim ng partido ng manggagawa at magsasaka, ang patridong ginamit din noon ni Rene de Villa sa pagtakbo bilang presidente. ( Grace Casin / UNTV News )

Tags: