OCD-NDRRMC hinikayat ang publiko na huwag maniwala at ipakalat ang text messages na nagsasabing may paparating na lindol

by Erika Endraca | April 24, 2019 (Wednesday) | 3618

Manila, Philippines – Nanawagan sa publiko ang Office of The Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na huwag maniwala sa mga kahinahinalang text messages.

Kaugnay ito sa kumakalat na text messages na may paparating umano na 8.0 magnitude na lindol.

Ayon sa OCD o NDRRMC hindi ito totoo at ang kanilang mga patnubay at babala ay ipinapadala sa pamamagitan ng account NDRRMC at hindi ng anomang numero.

Hinikayat rin nila ang publiko na huwag magpadala sa mga katulad na messages at iwasang mag like, share o i forward ang mga nasabing pekeng mensahe.

Gayunpaman dapat anilang maging alerto sa anumang banta ng sakuna o kalamidad. Para sa mga tamang impormasyon maaring bumisita sa website ng ndrrmc.gov.ph at sa facebook book page ng civil defense ph.


Tags: , ,