Mahigpit ngayong binabantayan ng Office of the Civil Defense Region 6 ang mga lugar na posibling tatamaan ng Tropical Storm Basyang.
Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment at emergency response preparedness meeting kanina ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa Western Visayas upang paghandaan ang posibleng pananalasa ng bagyong Basyang.
Ayon pa sa PAGASA, ang Negros Occidental ang tatamaang ng bagyo sa rehiyon kaya inihanda na ng OCD ang mga local government unit.
Naka-full alert status na rin ang Philippine National Police habang nakahanda narin ang backup communication ng National Telecommunications sakaling magkakaroon ng problema sa komunikasyon dahil sa bagyo. Naka-stand by na rin ang Disaster Risk Reduction and Management Council ng Iloilo.
Samantala, mahigit anim ng milyong piso naman ang inilaang pondo ng DSWD 6 bilang augmentation sa mga LGU na masasalanta. Sa ngayon, nararanasan ang malakas ng pag-ulang sa Iloilo City.
Pasado alas dos naman ng hapon nang isailalim sa red alert status ng Provincial Risk Reduction and Management Office ang Misamis Oriental.
Nasa signal number one na rin ang buong lalawigan kasama ang Cagayan de Oro City.
Sinuspindi na rin ang pasok sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa munisipyo ng Opol, Libertad at Guitagum mula elementary at high school level.
Pinagbawalan na ring bumyahe ang lahat ng sasakyang pandagat sa Cagayan de Oro Port partikular ang papuntang Manila at Cebu.
( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )
Tags: bagyong Basyang, OCD 6, Western Visayas