Oathtaking ng mga bagong abogado, sa Biyernes na

by dennis | April 23, 2015 (Thursday) | 2402

IMAGE_MAR272015_UNTV-NEWS_Supreme-Court_BAR-EXAMS

Gaganapin na sa darating na Biyernes, April 24, ang oathtaking para sa mga bagong abogado, dakong alas-3:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center (PICC).

Alas 12:00 pa lamang ng tanghali ay bubuksan na ang venue para sa registration. At inirerekomenda sa mga bar passer na dumating ng maaga sa venue upang maiwasan ang anumang aberya.

Inabisuhan ang mga ito na dalhin ang kanilang notice para sa oathtaking at ang kanilang toga. Habang hindi naman pinapayagan ang pagdadala ng mga camera at cellphone.

Tanging ang mga official photographers lamang ang pahihintulutang kumuha ng litrato at hindi rin pinapayagan ang pagdadala ng mga bata na pitong taong gulang pababa. (Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , , ,