NWRB tiniyak na sapat ang supply ng tubig sa Metro Manila kahit mababa ang lebel ng Angat dam

by Radyo La Verdad | September 23, 2022 (Friday) | 7780

METRO MANILA – Malaking bahagi ng ginagamit na tubig sa Metro Manila ay mula sa Angat dam.

Ngunit kahit tag-ulan na ay mahigit 2 buwan nang mababa sa minimum operating level nito.

Paliwanag ng National Water Resources Board (NWRB), hindi umaabot sa Angat water shed ang ibinibuhos na tubig ng mga pag-ulan.

Sa kabila nito, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na wala pa namang mga ipinatutupad na water service interruptions.

Samantala sa gitna ng mababang lebel ng Angat dam, nanawagan ang NWRB sa publiko na maghanda at maging responsible sa paggamit ng tubig.

Payo ng water board, magtipd sa tubig kapag naliligo. Sa halip na magshower, gumamit na lamang ng timba at tabo.

Maaari ring sahurin ang nagamit na tubig upang maipandilig o maipanlinis. Siguraduhin ding walang tagas ang mga gripo at tubo ng tubig upang makaiwas sa nasasayang na supply nito.

Samantala, nakatakda na ring ilabas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang resulta ng imbestigasyon nito kaugnay sa mga unscheduled water interruptions ng Maynilad sa mga customer nito.

Kabilang na dito ang mahigit kalahating buwan na scheduled interruption mula August 14 – September 1, 2022.

Sa isang text message, sinabi ni MWSS Regulatory Office Chief Regulator Patrick Lester Ty na iaanunsyo nila sa susunod na linggo ang mga interruption sa mga area na sineserbisyuhan ng Maynilad.

Tags: , ,