METRO MANILA – Inianunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa darating na Miyerkules April 5.
Ayon sa MMDA ito’y upang bigyang daan ang dagsa ng mga bibiyahe sa long holiday.
Otomatiko namang iiral ang suspension ng number coding mula April 6, 7 at 10 na matataon sa mga araw ng regular holiday.
Samantala, pansamantala ring sususpendihin ng Makati Local Government Unit ang implementasyon ng number coding sa kanilang lungsod.
Sa abiso ng Makati LGU, suspendido ang number coding mula April 6,7 at April 10.
Muling ibabalik ang implementasyon ng number coding sa araw ng Martes April 11.
Tags: MMDA, number coding