Number coding scheme, suspindido mula Oct. 31 hanggang Nov. 1-MMDA

by Radyo La Verdad | October 26, 2016 (Wednesday) | 2406

mmda-logo
Suspendido ang number coding sa buong Metro Manila sa October 31 at undas sa November 1.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na deklarado ang nasabing mga petsa na non-working holiday sa buong bansa.

Ibabalik ang number coding scheme sa kalakhang Maynila gayundin ang pagpapatupad ng extended no window hours kung saan dinagdagan pa ang mga lugar na sakop nito sa November 2.

Batay sa regulasyon, mula ala-siyete ng umaga hanggang alas-siete ng gabi iiral ang no window hours.

Simula sa November 2, bukod sa EDSA, C5, Roxas Boulevard, Alabang-Zapote Road, Mandaluyong, Las Pinas at Makati ay paiiralin na rin ang no window hours sa C-M Recto Avenue, Pres. Quirino at Araneta Avenue, SLEX, Taft at Ortigas Avenue, Shaw at Magsaysay Boulevard at Quezon at Commonwealth Avenues.

Tags: , ,