Number coding scheme sa Metro Manila, suspendido pa rin

by Erika Endraca | July 16, 2021 (Friday) | 526

METRO MANILA – Mariing ipinahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes (July 15) na nananatiling suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme.

“If we implement the number coding scheme now, can our public transport accommodate passengers given the minimum health protocols such as social distancing needed to be implemented?,” ani MMDA Chairman Benhur Abalos.

Mas maraming Public Utility Vehicles (PUVs) aniya ang kailangan ngayong pandemya dahil sa patuloy na implementasyon ng 50% passenger capacity limit.

Dagdag pa niya, kung ipatutupad na ang number coding scheme, maaaring mag-car pool ang mga komyuter at makokompromiso ang kalusugan ng mga ito.

Lubhang maaapektuhan din ayon kay Abalos, ang mga pamilyang isa lamang ang sasakyan dahil mapipilitan itong mag-commute at tuluyan nang dadami ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)