METRO MANILA – Suspendido pa rin ngayong araw ang pagpapatupad ng number coding sa Metro Manila.
Nauna nang iniurong ng Malacanang ang deklarasyon ng holiday, dahil matataon ng Linggo ang April 9, na paggunita sa “Araw ng Kagitingan”.
Samantala, hanggang ngayong araw (April 10) na lang din papayagan ng MMDA na dumaan sa Edsa ang mga provincial bus.
Ayon sa MMDA ang lahat ng mga bus na mangagaling ng Northern Luzon ay dapat lamang na magbaba ng mga pasahero sa mga terminal sa Cubao Quezon City.
Habang ang mga bus naman na mangagaling ng Southern Luzon ay kinakailangang magbaba ng mga pasahero sa mga terminal sa Pasay City.
Tags: MMDA, NCR, number coding