Nuisance candidates, tutukuyin ng COMELEC hanggang December 10

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 1452

MERYLL_BAUTISTA
Nilinaw ni COMELEC Chairman Andy Bautista na sa buong linggong ito,mula ngayong araw hanggang sa biyernes ay tatanggap lamang ang COMELEC ng lahat ng may ibig na mag file ng kanilang certificate of candidacy.

At sa December 10 ang itinakdang deadline ng COMELEC upang matukoy ang mga lehitimong kandidato dahil ayon Kay Bautista technically ay kandidato ang sinomang nakapag file na ng COC.

Inaaaahan na pagkatapos ng linngong ito ay sisimulan na ng COMELEC ang pagdinig sa mga kandidatong matutukoy na nuisance.

Ngayong araw pa lang ay nakapagtala na ang COMELEC ng labing anim na tatakbo bilang pangulo,kabilang na si VP Binay,dalawang vice president at labing tatlong tatakbong senador.

Inaasahan sa araw ng bukas hanggang sa biyernes ay madadagdagan ito.

Bukas ang COMELEC mula alas otso hanggang alas singko ng hapon sa sinomang may ibig na mag file ng COC.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,