Nueva Ecija, naghanda rin sa pagpasok ng Bagyong Rosita

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 24470

Alas tres ng madaling araw kanina nang magsimulang maramdaman ang banayad na pag-ulan na may kasamang hangin sa Nueva Ecija.

Sinuspinde na rin ng provincial government ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan.

Bagaman wala pang naitatalang nagsilikas na residente mula sa low lying areas, tiniyak ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nakahanda na ang lahat ng kanilang mga tauhan at heavy equipment.

Nakahanda na rin ang isang libong food packs na ipamamahagi sa mga mangangailangang residente.

Samantala, nasa dalawang daang mga katutubong ang stranded at kasalukuyang nasa pangangalaga ng PDRRMO dahil hinihintay nila ang sasakyang pauwi ng bundok ng Sierra Madre.

Ang mga ito ay dumalo kahapon sa isinagawang araw ng mga katutubo.

Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa mga lugar na madalas ang landslide at pagbaha sa lalawigan.

Nananatili pa ring normal ang level ng mga pangunahing ilog sa buong lalawigan.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,